Tuesday, February 13, 2007

here's to a happy valentine.

So.. akala mo iiyak ako? Managinip ka! Asa. Hindi mo ako mapapaiyak. Galit ako. Tapos na ang lahat.... ang lahat ng kabaliwan, ang mga araw na hindi ako makatulog dahil iniisip kita.. yung mga sandaling sinisipat ko 50 beses ang cellphone ko sa isang araw para lang tingnan kung nag text ka o hindi. Tapos na. Sabi mo babawi ka.. GO TO HELL! Sabi mo magkikita pa tayo ulit, ako naman si tanga.. umasa pa rin. Pero wala na.. hindi na. Tapos na. Sayang lang ang lahat ng panahon na ginugol ko sa paghihintay sa yo. Kung gusto mo talaga ako.. bakit wala ka ngayon dito? Kung importante ako sa yo.. bakit hindi ko maramdaman kahit malayo ka? Maraming beses pinakalma ko ang sarili ko kahit na nasasaktan ako.. kahit na malabo. Ngayon lang ako natauhan.. nahimasmasan sa mga kabaliwan na inilagi ko sa piling mo. Masaya naman tayo di ba? Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin.. hanggang sa maisip ko isang araw.. habang nanonood ng Prison Break.. na wala na talga. Na dapat na akong huminto. Em I giving up on you? OO. Dahil naisip ko na mas nauna mong ginawa yun... nandito lang ako nuon. Hinintay kita.. pero ang tagal bago ko napagtanto na naghihintay ako sa wala. Nandito ako.. nakalugmok sa isang tabi habang may minamahal kang iba.. iniisip kita... pero ikaw? Sino ang iniisip mo? Siya ba? Its your choice.. alam mo ba yun? Pero dahil naging mabait ka sa kin.. wag kang mag alala hindi kita kukulamin. Ipinagdadasal ko pa rin na sana maging masaya ka.. kahit na sa piling ng iba. Kung tutuusin.. hindi naman naging tayo.. kung iisipin hindi naman ako gaanong nasasaktan.. hindi rin ako nagagalit sa yo. Galit ako sa sarili ko.. dahil pinayagan kong mangyari lahat to. Akala ko kaya kong labasan nang hindi nasasaktan. Akala ko masayang maglaro.. pero kung gaano siya kasaya ganun rin pala siya kasakit. Yes, I guess I'm being submissive.. pero ok na yun kesa naman i deny ko pa. Kasi kung susumahin eh tapos na rin naman. I see you as a humbling experience... wala akong maisip na masamang ginawa mo sa kin.. kung tutuusin marami ka nga na naituro sa kin. Kaya for what its worth, minahal din siguro kita. Konti nga lang. Pero mabuti na rin na nahinto ng maaga at baka kung saan pa ako pulutin dahil malupit ang attitude problem mo. Hahahahha. Natatawa ako na naiinis pero ok lang yun.. hindi mo naman to mababasa. Pero kung mabasa mo.. o di sige. Kung magiging masaya ka.. eh di panalo ka na. Talo na ko. Leche.

Alam kong mahal mo pa rin siya. Mahal ka rin ba nya? Sana OO. Sana maging masaya ka.. kasi ako.. sooner or later magiging masaya rin ako. Masaya na naman ako eh.. empty lang paminsan but its nothing that I can't really handle. Malaki na ko.. kaya ko to. Malaki ka rin naman eh.. kaya I'm sure kaya mo rin yan. So pano? Happy Valentine's na lang sa ting dalawa. Happy Valentine's din sa kanya. Sumbong mo na lang sa kin pag pinaiyak ka ulit. Ipagdadasal ko na lang. =p

No comments: